DEAR LIES

The first time Francesca and Darwin met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita ay kinailangan pa niyang magtahi ng kuwento sa kagustuhan niyang manatili sa isla nito. Ngunit sadya yatang sintigas ng bato ang puso nito kaya sa halip na patawarin ay lalo pa siya nitong ginipit.Hanggang isang pangyayari ang magsilbing susi upang mabuksan ang isang kabanata ng buhay nito at maging dahilan iyon ng kanilang pagbabati.Now he was thanking her for saving him. Buong buhay niya ay noon lang siya nakatanggap ng isang heartfelt “thank you”. At nagmula pa sa taong akala niya ay hindi marunong mag-appreciate ng mga bagay sa paligid nito.
“I Love You. Will you marry me?” wika pa nito sa kanya.
Tatango na sana siya kung hindi lamang niya kilala ito….
MATTERS OF THE HEART

Florence was carefree. Lahat ng bagay ay nagagawa niyang idaan sa biro. Pero nakilala niya sa Donn-- seryoso, at ang nais nito ay nasa ayos ang lahat. He was so considerate na mas uunahin pa nito ang damdamin ng ibang tao kaysa sa sarili nitong kaligayahan.Biglang umiral ang inborn na pagkapilantrupo ni Florence. Itinalaga nya ang sarili niya bilang tagapagligtas ng lalaki. Hindi niya ito hahayaang matali sa isang relasyon na ang mayamang lola lamang nito ang may gusto.Gumawa siya ng paraan upang ma-realize nitong hindi ito magiging masaya kung patuloy lang itong makikipag-ugnayan sa babaeng ipinagkasundo rito na si Anette. Kahit na patuloy nito iyong itatanggi.Pero bakit siya nito biglang hinalikan? At ang masama, buong alab rin niya iyong tinugon...
MY LORD ACE
Bilang isang freelance photographer, kung saan- saang isla at bundok nakakarating si Prix. Kaya nang marinig niyang maganda ang Isla Catalina ay agad siyang pumaroon. Iyon ay sa kabila ng pagiging pribado ng islaGanoon na lamang ang takot niya nang salubungin siya ng isang lalaking nakakalula ang tangkad at lapad ng katawan. Ipinag tabuyan siya nito.Ngunit hindi siya nasiraan ng loob. Lakas-loob niya itong hinarap at sinabi ritong hindi siya aalis doon hangga’t hindi niya nakukunan ng larawan ang isla.
Sa pagkamangha niya ay pumayag ito kapalit ng paninilbihan niya sa pamamahay nito.
Labis niya iyong ikinatuwa. Nanalo siya sa round one. Ang masama, natalo siya sa mga sumunod na rounds. Because instead of winning, she bet and lost something she couldn’t afford to lose….her heart.
LOVE AT SECOND SIGHT
Nang ma-inlove si Czarina sa unang pagkakataon ay todo-todo ang ibinigay niyang pagmamahal. Nang magpakasal ang lalaki sa ibang babae ay talaga namang para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa mismong kasal ay nagpakalunod siya sa alak.Util a mysterious and handsome stranger came to her rescue--si Harold.Nang magpasya siyang magbakasyon muna upang makalimot sa kabiguan ay hindi niya akalaing muli silang magkikita ng lalaki.Natuklasan niyang ito pala ang tatay-tatayan ng makukulit na batang kambal na nakilala niya. Halos araw-araw siyang kinukulit ng magkapatid na maging “mommy” raw ng mga ito.
Syempre pa ay nagpakatanggi-tanggi siya. Pero nang si Harold na mismo ang humingi ng pabor sa kanya, himalang napapayag siya nito.
Mukhang muli na namang nagmamahal ang puso niya. Lalo pa nang gawaran siya ng halik ng binata. Gusto na yata niyang totohanin ang lahat. Pero malinaw na “laro” lang ang pagiging mag-asawa nila…
LOVE, LIES, AND ALIBIS
Dahil sa isang kahilingan na hindi makayang pahindian ni Belinda ay napilitan siyang magtungo sa Benguet. Ngunit parang gusto niyang mag-back outnang makilala ang lalaking maghahatid sa kanya sa destinasyon niya.Dax was the last person she wanted to see.But fate had brought them together.Worse, nalaman niyang ito pala ang may-ari ng flower farm na tutuluyan niya.Paano na lamang ang problema niya? Malulutas kaya niya iyon kung parating nakakontra si Dax sa bawat hakbang na gawin niya? At bakit ba may pakiramdam siyang parating may mapang-uring mga mata na nakamasid sa kanya?Could she get the concentration she needed before her heart changed its mind?
HEY GORGEOUS
"Maganda ang nakaguhit sa palad mo, Miss. Malapit mo nang makilala ang lalaking makakapiling mo habang buhay. Malalaman mong siya na nga iyon kapag nagkalapit kayo at nakarinig ka ng isang napakagandang musika."Ipinagsawalang-bahala lang ni Simone ang hula sa kanya. Una, nagmamadali siya dahil male-late na siya sa kasal ng pinsan niya. Pangalawa, hindi siya naniniwala sa hula. Para sa kanya, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana.Ngunit sa sandaling nakita niya ang best man sa kasal ng pinsan niya, bigla ay tila may pumailanlang na musika. At nang titigan niya si Aleister, tila tumigil sa pag-inog ang mundo.Tama kaya ang manghuhula? Si Aleister na nga kaya ang lalaking sa kanya ay itinadhana?
ONCE AND AGAIN
"Axel Drake de Roque, at your service. Although I will not call myself unlucky to be Raven's boyfriend."Tila knight in shining armour ang naging dating nito kay Raven nang sagipin siya nito sa pang iinsulto ng mga kaopisina niya. Wala kasi siyang love life. Ngunit sa kabila ng pagtulong nito ay hindi pa rin nawala ang galit nila sa isa't-isa, sampung taon na ang nakararaan. Ang nakapagtataka, sa halip na magbangayan sila ay nagtutulungan pa sila.Ngunit hindi siya naging handa sa mga konsekwensiya ng palabas nila nang maramdaman niyang ito pa rin ang lalaking iniyakan niya noon gabi-gabi. Handa na kaya siyang ipadama rito ang damdamin niya ngayong unti-unti nitong natitibag ang pader sa puso niya?
ACCIDENTAL HEARTS
Presko. Iyon ang impresyon ni Rhome kay Byron nang unang beses silang magkita. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang atraksiyong nadarama niya para dito. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napapayag nito nang imbitahan siya nito para sa isang dinner date. Ngunit sa huling sandali ay bigla namang kinansela nito ang date na iyon; kung kailan nakabihis na siya at handang-handa na. Bumalik tuloy muli ang inis niya rito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya papansinin ito kahit kailan. Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa kakambal. Bryan was more hes kind of man. Ngunit sa tuwing tititigan niya ito, ang masayang dispusisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya... At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?
CAPTAIN OF MY HEART
Sa paghahanap ni Leira sa kanyang "Mr. Right," iba ang kanyang natagpuan. Si Calvin, isang Air Force captain na kasalukuyang hinahanap din ang sarili nitong "Miss Right." Pareho sila ng mithiin at misyon sa buhay kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan.Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.Parang nagiging kamukha na nito ang kanyang Mr. Right...
GOLDILOCKS AND HER PRINCE
Kahit dis-oras ng gabi ay sinugod ni Mae si Leanard sa bahay nito. Galing dito ang subpoena na natanggap niya at nagpapasakit ngayon sa ulo niya dahil sa di-sinasadyang pagkakadisgrasya niya sa bakuran nito."We need to talk," matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. "Magbihis ka nga!"Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo naang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang."you're in my house so don't you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I'll take off my boxers in front of you."Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.
MY SWEETHEART CHERIEPangarap ni Cherie na unusual at romantic ang maging pagkikita nila ng lalaking kanyang mamahalin. Ngunit naglaho ang pangarap niyang iyon nang ipagkasundo siya ng mga magulang sa lalaking ni hindi niya gusto. Nagpasya siyang kausapin na lamang si Dwight-- ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Dapat na dito manggaling ang pag atras sa kasal nila. Iyon lang ang tanging paraan para hindi sila makasal.Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.Kaya imbes na pag ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.Even the way her heart felt towards him...
No comments:
Post a Comment