
Life was monotonous for Atasha. Trabaho-bahay,bahay-trabaho. Iyon ang routine niya araw-araw.
Hanggang isang gabi ay may nagbigay sa kanya ng isang nakakaintrigang proposal: isang milyong piso kapalit ng isang araw na pagpapanggap bilang girlfriend ng bilyonaryong si Treize de Cordova.
Sa kagustuhang maiba naman ang takbo ng kanyang buhay ay tinanggap niya ang alok.
Ngunit hindi niya inakalang sa ginawa niya ay mangangarap siya ng higit pa sa isang milyong piso… n asana ay ialok ni Trieze ang puso nito.
All her life, Donata aka "Dunkey" wanted to be a reporter. She became one. Now she was in for a promotion. But she had to interview the members of the Billionaire Boys Club to get the promotion.
Si Ran ang unang nilapitan niya. Pero ayaw nitong magpa-interview. Tinangka niyang interview-hin ang ibang miyembro ng BBC. Ang sabi ng mga ito, interview-hin daw muna niya ang pinaka-media shy sa mga ito-- si Ran.
Para ma-interview niya si Ran, kinaibigan niya ang younger brother nito--si Tommy--who later confessed he had a crush on her. Natawa siya sa sinabi nito.
He then added that his brother also had a crush on her. Hindi siya natawa roon. Her heart started thumping instead.
Patay! May crush din yata siya kay Ran.

Pamela had been called a lot of things. Heartless, annoying, cold, calculating. She was all business and no play. Wala naman siyang problema roon. Dahil wala rin siyang panahon sa mga bagay na hindi niya mapapakinabangan at hindi makakatulong sa pag-angat ng magazine na pinamamahalaan niya.
Until Yeoji came back into her life. Now he was her playboy, all-fun boss. Kaya hindi na kataka-takang sa tuwing magkikita sila ay laging nagkakakagulo ang kanilang mga mundo. The lover of women would turn into an annoying monster kapag siya na ang kaharap nito. One of the reasons kung bakit umiinit ang kanyang ulo tuwing makikita niya ito. How could he love all women except her?
To think na nangako pa ang hudyo noon na siya lang ang liligawan at mamahalin nito!.

Nakakunot ang noong inilayo ni Karin ang kanyang mukha nang unti-unting ilapit ni Zech ang mukha nito sa kanya. “Anong ginagawa mo?” tanong niya.
“Nothing,” sagot nito.
“What ‘nothing’?” Nakatitig na siya ngayon sa mga mata nitong kakulay ng malabnaw na tsokolate. His clear skin an reddish cheeks, arrogant nose, and very sensous lips were no match in pictures of him she had seen.
“Maganda ka naman pala kahit paano. Hindi na ako mahihirapang akitin ka at paibigin.”
Tila malamig na tubig na gumising sa kanyang kamalayan ang mga sinabi nito. ”You can’t make me fall in love with you, Mr. Zech Marquez. Nakaplano na ang lahat sa buhay ko at hindi ka kasama sa mga iyon.”
”But I’m here now.” he closed the space between them. “Whether you like it or not, you’ll have to make some adjustment in your life for me because I’m not going anywhere, Karin.”
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/lantis.jpg)
Heartbroken si Rinoa. Ine-expect kasi niya na magpo-propose na sa kanya ng kasal ang kanyang boyfriend na si Henry. May nakita kasi siyang engagement ring, at bilang girlfrienmnd nito, inakala niyang para sa kanya iyon.
Pero para sa ibang babae pala iyon. Tinangka niyang gumanti. Balak niyang i-ransack ang hotel room ng two-timer na boyfriend niya. Pero mali siya ng napasok na kuwarto. Kuwarto ni Lantis NAkago, isa sa mga miyembro ng Billionaire Boys Club ang napasok niya.
Pagkakita niya rito, nakalimutan niya ang orihinal na pakay niya. Nakakapanginig-tuhod kasi ang ka-cute-an ni Papa Lantis. Ano kaya kung ito na lang ang gawin niyang bagong papa?
“Is this yours?” he asked smiling. He was holding out her scarf. “It's kinda wet. I was sipping coffee when it landed on my head.”
Hindi pwedeng magkamali si Hevn. She had seen that smile before. She knew that drop-dead gorgeous face.
“I’m sorry about this…” she could feel her heart slowly melting as she gazed into thise liquid brown eyes. “have we met before?”
“Well, lets see I this trick will help.” He extended his hand to her. “I’m Silvanus Arellano. And you are…?”
“That’s it!” hiyaw niya. “You are Silvanus Arellano!”
“Yes, I said that a while ago.”
“Will you go out with my cousin? She really likes you.”
Nagulat ito. Ngunit saglit lang iyon dahil muling sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “To tell you honestly, beautiful woman, It is you whom I want to go out with. In fact I was just about to ask you.”
Nagbalik-bayan si Xeena para sundan ang crush niyang si Silvanus Arellano. Ngunit sa halip na ang lalaki ang matagpuan niya sa adress nito, isang lalaking nagngangalang “Vincent Noblejas” ang naroroon. Guwapo sana ito, kaya lang ay antipatiko at bossy ito. Hate pa naman niya ang dalawang katangiang iyon. Gusto kasi niyang siya ang lagging nasusunod.
Pero bakit ganoon? Natagpuan niya ang sariling sunud-sunuran dito at wala siyang madamang pagrerebelde.
Hindi maaari! Hindi siya inlove dito!
Presea never believed in love stories and happy endings. Nabuhay kasi siya sa marahas na realidad. Hanggang isang araw, dumating ang hindi niya inaasahang prince charming, none other than Billionaire Boy Vash Illustre. Agad na nagbago ang pananaw niya sa lahat ng bagay.
“I’d like to be your boyfriend,” wika nito. “For real. Would you take me?”
Isang tumataginting na “oo” agad ang isinagot niya. Dahil sa unang pagkakataon, naniwala siya sa pag-ibig. Kaya kung magigising siya sa panaginip na iyon, wala siyang pagsisisihan na kahit ano.
Tinamaan ng major crush si Faye kay Rath Lagdameo nang iligtas siya nito sa masasamang loob. At dahil once in a blue moon lang panain ni kupido ang kanyang puso, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang mapansin siya nito, sukdulang kidnap-in niya ito.
Umayon naman sa kanya ang pagkakataon. She had her adorable Biilionaire Boy. Ngunit daig pa niya ang pinompiyang sa magkabilang tainga nang magkamalay ang kanyang bihag.
“Hindi ka si Rath?”
“No, I’m his twin brother, Rex.”
Anak ng pitumpu’t pitong puto! She got the wrong man!
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/ken.jpg)
Ken Arboleda
Avon was a no-nonsense, top-caliber police officer. Wala siyang inuurungang misyon gaano man kapanganib iyon. Ngunit dala na rin ng katigasan ng kanyang ulo ay nasuspende siya. And out of boredom, nakipagpustahan siya sa kaibigan na kaya niyang kidnap-in ang crush nitong si Rex Lagdameo, ang isa sa iyembro ng Billionaire Boys Club.
Pero mali siya ng taong nadukot niya. Instead, she was faced with the raging Ken Arboleda. Mabilis namang pinakawalan niya ito para wala na siyang problema. Ang kaso, ayaw nitong malayo sa kanya hanggat hindi ito nakakaganti. Hinayaan lang niya ito.
What she didnt count on was having her toug heart soften every time he would look at her with those chinky eyes of his.
Nahulog ang loob ni Miles kay Rex Lagdameo dahil sa mga ipinakita nitong kabaitan sa kanya. Sa lahat kasi ng nagging miyembro ng pamosong Billionaire Boys Club, ito ang nag-iisang napalapit sa kanya. Kaya sinabi niya sa kanyang sarili na siya ang magiging tanging babae sa buhay nito.
Enter his ultra serious, no-nonsense, I’m-so-deep-you-can’t-figure-me-out twin brother, Rath. Pilit siyang pinapaamin nito dahil may kinalaman raw siya sa pagkawala ng kapatid nito.
As they set out to find out what happen to his brother, unti-unti rin niyang natutuklasan ang totoong pagkatao nito. Hanggang isang araw, ito na ang hinahanap niya sa katauhan ni Rex instead of the other way around.
Hala, ano ang nangyari?

Stallion Riding Club
![[image]](http://i116.photobucket.com/albums/o35/lenboo/040507003.jpg)
JUBEI BERNARDO
Napundi yata sa kanya ang binata sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nang dahil dito kaya bigla na lang siyang pinakulong nito. Ayon dito, isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ito sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya inakala, sa lahat ng santo ring iyon siya haharap... kasama ng binatang isinumpa niya.
Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Ngunit ang matindi, narinig at nakita pa niya ang binata nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae.
O, 'di ba, ang saya?
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/040507012.jpg)
ENERU VILLASIS
"Eneru Villasis?" Nakanganga na lang siya nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan. "Ikaw na iyan?"
Anak ng teteng! Ano ba ang pinagkakaabalahan niya noong high school sila at hindi niya pinansin ang napakaguwapong nilalang na iyon noon?
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/sta003-1.jpg)
REIGAN BALTAZAR
man in her life could make her feel better
on the most annoying night of her life.
Kaaway ang tingin ni Sierra kay Reigan.
Kaibig-ibig naman ang tingin ni Reigan sa kanya.
Hindi magkasundo ang kanilang mga puso dahil sa kanilang nakaraan na kasalanan ng binata. Kaya ngayon, pahirapan ang pagkuha nito sa pag-ibig niya.
"Kailan ka ba maniniwalang gusto talaga kita, Sierra?"
"Kapag naging square na ang buwan."
Pero dahil sa kagagawan ng makulit na pamangkin niya, nagkaroon ng square na buwan. Green pa ang kulay.
Maniwala na kaya siya sa mga sinasabi ng binata?
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/sta002-1.jpg)
NEIJI VILLARAZA
you were the one I was waiting for my whole life."
Boring ang buhay ni WINRI. Wala na siyang social life, wala pa siyang love life. And she was not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalagang tiyahin niya, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad sito na namatay nang malungkot at walang kasama.
Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling-araw si Neiji Villaraza sa isang cafe bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang na nakita niya ito at imposible na muli silang magkasama.
Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. Ang premyo? A date with one of the product's hunk endorsers. Neiji was one of them. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya.
Where was her chance?
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/sonia9.jpg)
BRAD CRAWFORD
Aminado si Chiza na karamihan sa mga miyembro at may-ari ng Stallion Riding Club ay guwapo. Pero hindi siya padadala. Naroon siya para sa trabaho at negosyo, at hindi sa anupamang bagay.
Pero dahil sa di-sinasadyang insidente, nakilala niya ang guwapo, berde ang mga mata, at may British accent na si Brad. Nang mahulog siya mula sa isang puno dahil sa pag-atake sa kanya ng mga langgam, ito ang nakasalo sa kanya habang nangangabayo ito.
Oo, napilayan siya sa aksidenteng iyon. Pero kung mayroon mang magandang naidulot iyon sa kanyang buhay, iyon ay ang magkaroon ng pagkakataong maalagaan siya ni Brad.
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/sonia10.jpg)
RODJAN STA. MARIA
Sonja was a writer. Rodjan was a painter.
Pareho silang artists pero sa halip na magkasundo, palagi silang nagbabangaan. Hanggang sa mapasok sa usapan ang Stallion Riding Club, ang elite club na pangarap mapasok ni Sonja.
"You're plain ang ordinary." wika ni Rodjan. "No one would look at a woman like you twice."
"You're ugly and you're dirty. Sino ang mabubuhayan ng hasang sa iyo?"
Pero iba ang nangyari nang magkita uli sila sa naturang club. Rodjan was now one of the most handsome members Sonja had ever seen. And she couldn't help but fall for him.
"Stay away from me," deklara ng binata sa harap niya.
"You want me to stay away from you. Pero ikaw naman ang laging lumalapit sa akin."
Sino kaya sa kanila ang may problema?
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/sonia11.jpg)
KAI MONTEZOR
Kai was a freakin' playboy. kilala ni Zia ang binata hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng pagkatao nito. Saksi kai siya sa mga adventures nito sa mga baba. Paano ay bahagi siya niyon.
Siya ang tagapagligtas ni Kai tuwing gusto na nitong makipaghiwalay sa girlfriend nito. Nagpapanggap silang magkasintahan, mag fiancee at mag-asawa. Lahat naman ng gimik, pinapatulan ng mga babae nito. He was always free because of her. But for the right price.
Hanggang isang araw, she just had enough. Ayaw na niyang tulungan ito. Lalo na dahil ang sarili niya mismo, hindi niya matulungan upang pigilang mahulog ang loob dito.
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/s0nia12.jpg)
YOZACK FLORENCIO
Mataas ang tingin ni Diosa sa kanyang sarili. She could get all the attention she wanted--when she needed it, where she needed it. Iyon kasi ang nakaanayan niya.
Hanggang isang lalaki ang sumira sa natural na pag-inog ng mundo niya. Si Yozack--ang lalaking basta na lang niya hinalikan at pagkatapos niyon ay ni hindi man lang siya hinabol para tanungin. She got curious about him. Until one dy, she realized she wasn't just curious about him.
"I'd like to be your friend," wika sa kanya ni Yozack. "If it's okay with you."
Of coure it was not okay. Because she had fallen in love with him!
![[image]](http://i147.photobucket.com/albums/r294/scansf/zell.jpg)
ZELL ZAPANTA
Masayang pinakikinggan ni Dominique ang usapan ng mga Stallion Riding Club members habang namimili ang mga ito ng makaka-date ng mananalo sa promo ng Stallion shampoo. Pero ang mas nakapukaw sa atensiyon niya ay ang nag-iisang si Zell Zapanta.
"I'm volunteering. I need as much exposure as I can para maging pamilyar sa akin ang masa. Makakatulong iyon sa pagtakbo ko sa susunod na eleksiyon."
Doon na siya kumilos. Lumapit siya sa grupo ng mga ito.
"Exempted ka, Renzell," aniya. Napako sa kanya ang tingin ng lahat. "Hindi puwedeng makipag-date ang fiance ko."
"Sino ka ba?" tanong ni Zell nang tumayo at humarap ito sa kanya. "I don't even know you."
"Oo nga. Pero ikaw, kilala ko at kilala ako ng parents mo. Kaya nga engaged na tayo, eh." Ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis. "Dapat pala ay nagpakilala na ako noong unang araw tayong nagkita. Para hindi ka na nabibigla nang ganyan. Kaya lang kasi, gusto kitang sorpresahin. Kaya... surprise!"
STALLION BATCH 4 BOOK 26: PIPO DE VERA BY SONIA FRANCESCA ![]() Annamae was a spoiled brat. Ayaw niyang magtrabaho. Ayaw rin naman niyang magpakatino. Palagi siyang nakikipagsigawan sa mga rock concerts, nakikipagsigawan sa mga nagra-rally, at nakikipagsigawan sa kanyang ama. Siya ang literal meaning ng rebel-without-a-cause. Hanggang sa mapuno na ang kanyang ama. Binigyan siya nito ng ultimatum. Magtatrabaho siya o magpapakasal. Pero mas mautak siya kaysa rito kaya gumawa siya ng paraan upang makalusot sa dalawang kondisyon na iyon. Kailangan lang niya ng magpapanggap na boyfriend niyang gusto niyang pakasalan. Nakita naman agad niya ang kanyang prospect: si Pipo de Vera. Ang kaso, tinanggihan siya nito. Pero bumawi naman ito nang magprisinta itong tutulungan na lang siyang maghanap ng magiging “boyfriend” niya. Pero bakit nang may magprisinta nang iba, unang-unang kumontra ito? | |||
|
Other All Time Favorite Novels Of Miss SF!
KISSING MS. WRONG
DEAR LIES
Hanggang isang pangyayari ang magsilbing susi upang mabuksan ang isang kabanata ng buhay nito at maging dahilan iyon ng kanilang pagbabati.
Now he was thanking her for saving him. Buong buhay niya ay noon lang siya nakatanggap ng isang heartfelt "thank you". At nagmula pa sa taong akala niya ay hindi marunong mag-appreciate ng mga bagay sa paligid nito.
"I love you. Will you marry me?" wika pa nito sa kanya.
Tatango na sana siya kung hindi lamang niya kilala ito...
MATTERS OF THE HEART
Biglang umiral ang inborn na pagkapilantrupo ni Florence. Itinalaga nya ang sarili niya bilang tagapagligtas ng lalaki. Hindi niya ito hahayaang matali sa isang relasyon na ang mayamang lola lamang nito ang may gusto.
Gumawa siya ng paraan upang ma-realize nitong hindi ito magiging masaya kung patuloy lang itong makikipag-ugnayan sa babaeng ipinagkasundo rito na si Anette. Kahit na patuloy nito iyong itatanggi.
Pero bakit siya nito biglang hinalikan? At ang masama, buong alab rin niya iyong tinugon...
MY LORD ACE
Ganoon na lamang ang takot niya nang salubungin siya ng isang lalaking nakakalula ang tangkad at lapad ng katawan. Ipinag tabuyan siya nito.
Ngunit hindi siya nasiraan ng loob. Lakas-loob niya itong hinarap at sinabi ritong hindi siya aalis doon hangga't hindi niya nakukunan ng larawan ang isla/
Sa pagka mangha niya ay pumayag ito kapalit ng paninilbihan niya sa pamamahay nito.
Labis niya iyong ikinatuwa. Nanalo siya sa round one. Ang masama, natalo siya sa mga sumunod na rounds. Because instead of winning, she bet and lost something she could't afford to lose... her heart.
LOVE AT SECOND SIGHT
Util a mysterious and handsome stranger came to her rescue--si Harold.
Nang magpasya siyang magbakasyon muna upang makalimot sa kabiguan ay hindi niya akalaing muli silang magkikita ng lalaki.
Natuklasan niyang ito pala ang tatay-tatayan ng makukulit na batang kambal na nakilala niya. Halos araw-araw siyang kinukulit ng magkapatid na maging "mommy" raw ng mga ito.
Syempre pa ay nagpakatanggi-tanggi siya. Pero nang si Harold na mismo ang humingi ng pabor sa kanya, himalang napapayag siya nito.
Mukhang muli na namang nagmamahal ang puso niya. Lalo pa nang gawaran siya ng halik ng binata. Gusto na yata niyang totohanin ang lahat. Pero malinawna "laro" lang ang pagiging mag-asawa nila..
LOVE, LIES, AND ALIBIS
nang makilala ang lalaking maghahatid sa kanya sa destinasyon niya.
Dax was the last person she wanted to see.
But fate had brought them together.
Worse, nalaman niyang ito pala ang may-ari ng flower farm na tutuluyan niya.
Paano na lamang ang problema niya? Malulutas kaya niya iyon kung parating nakakontra si Dax sa bawat hakbang na gawin niya? At bakit ba may pakiramdam siyang parating may mapang-uring mga mata na nakamasid sa kanya?
Could she get the concentration she needed before her heart changed its mind?
HEY GORGEOUS
Ipinagsawalang-bahala lang ni Simone ang hula sa kanya. Una, nagmamadali siya dahil male-late na siya sa kasal ng pinsan niya. Pangalawa, hindi siya naniniwala sa hula. Para sa kanya, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana.
Ngunit sa sandaling nakita niya ang best man sa kasal ng pinsan niya, bigla ay tila may pumailanlang na musika. At nang titigan niya si Aleister, tila tumigil sa pag-inog ang mundo.
Tama kaya ang manghuhula? Si Aleister na nga kaya ang lalaking sa kanya ay itinadhana?
ONCE AND AGAIN
Tila knight in shining armour ang naging dating nito kay Raven nang sagipin siya nito sa pang iinsulto ng mga kaopisina niya. Wala kasi siyang love life. Ngunit sa kabila ng pagtulong nito ay hindi pa rin nawala ang galit nila sa isa't-isa, sampung taon na ang nakararaan. Ang nakapagtataka, sa halip na magbangayan sila ay nagtutulungan pa sila.
Ngunit hindi siya naging handa sa mga konsekwensiya ng palabas nila nang maramdaman niyang ito pa rin ang lalaking iniyakan niya noon gabi-gabi. Handa na kaya siyang ipadama rito ang damdamin niya ngayong unti-unti nitong natitibag ang pader sa puso niya?
THE WAY YOU LOVE ME
But Thad was the one problem she didn"t know whether to stick up with or ran away from...
ACCIDENTAL HEARTS
Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa kakambal. Bryan was more hes kind of man.
Ngunit sa tuwing tititigan niya ito, ang masayang dispusisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya... At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?
CAPTAIN OF MY HEART
Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.
Parang nagiging kamukha na nito ang kanyang Mr. Right...
GOLDILOCKS AND HER PRINCE
"We need to talk," matigas na sabi niya, ngunit ang mga mata ay hindi maiwasang maglakbay sa malapad na dibdib nito at pipis na tiyan. "Magbihis ka nga!"
Pero tila wala itong narinig, sa halip ay nanatili lang itong nakatayo naang tanging saplot sa katawan ay boxer shorts lang.
"you're in my house so don't you raise your voice on me, Miss. At tungkol sa subpoena, abogado ko na ang kausapin mo. Now, get out or I'll take off my boxers in front of you."
Natigilan siya, awang ang bibig na hawak pa rin ang subpoena. Nang marinig niya ang tinig nito ay tila noon lang muling nagbalik ang kanyang katinuan, ngunit hindi ang normal na tibok ng kanyang puso.
MY SWEETHEART CHERIE
Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.
Kaya imbes na pag ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.
Even the way her heart felt towards him...
I DO.. TAKE TWO
Hindi sana malalaman ng mga ito ang tungkol doon kung hindi nagpakita ang magaling niyang asawa. Ang buong akala niya ay susunduin na siya nito, na sasabihin nitong bumalik na siya rito dahil hindi ito mabubuhay nang wala siya sa tabi nito.
Pero ang hudyo, sa halip na manikluhod. iwinagayway sa harap niya ang divorce papers nila!
BIRUBIRUAN NG PUSO
Subalit nanatiling dead-ma ito sa mga pagpapa-charming niya. Every time she teased him, he would just tolerate her and disregard her like he never heard anything she said. Idinadaan naman kasi niya sa biro ang pagpaparamdam dito.
What she didn't count on was that crush would turn into a full-blown love. Well, that was okay.
If only Alec felt the same way towards her...
SI MA'AM AT SI MR. HEARTTHROB
Ipinagkibit-balikat lang niya iyon. Eh, ano naman ang magagawa niya kung wala talaga siyang nagustuhan sa mga nanliligaw sa kanya na lahat ay nagsipag-asawa na?
Mawawalan na sana ng pag-asa ang mga tao sa paligd niya nang dumating ang bagong school director ng kanilang eskuwelahan--si Marc Christian Sebastian, ang lalaking inibig niya fifteen years ago at siya ring naging dahilan upang hindi na siya umibig pang muli.
At sa kanilang muling pagtatagpo, madidiskubre niyang may natitira pa pala siyang pagmamahal sa lalaki.
I LOVE YOU TODO-TODO WALANG HINTO WALANG PRENO
Ang problema, tila hindi man lang ito nagdalawang-isip na tumanggi para tulungan siya. Hindi na rin niya inisip na pakiusapan ito dahil wala iyon sa karakter niya.
Ngunit nakielam ang kanilang mga pamilya kaya sa ayaw at sa gusto niya ay mapipilitan siyang makipag kasundo rio.
Pero ang mas malaking problema ay nang makielam din ang puso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagkasundo rito nang kusa.
MISSENT
Pero masama pala ang pinangungunahan si Kupido para sa sariling kapakanan. Hayun, tuloy ay na-inlove siya nang wala sa oras. Ang masaklap pa, napundi sa kanya ang hero niya na walang iba kundi si Avery.
Paano na ang sariling love story niya?
OPTION 5: LOVE ME, MY DARLING ENEMY
Problema nila ang isa't-isa.
Asar si Marx dahil palaging pinakikielaman ni Jersey ang kanyang sex life. Inis naman dito si Jersey dahil palagi siyang inaasar nito. Wala silang pinipiling oras at araw kung magbangayan. At madalas, naaapektuhan na ang mga kapitbahay nila.
So, their neighbors suggested a plan. Liligawan ni Marx si Jersey para mapabait ito. Jersey learned about the plan and came up with her counterattack.
Hinayaan niyang isipin ni Marx na nadadala siya sa mga ngiti at pagpapa-charming nito.
Pero kalaunan, bakit naaapektuhan na siya ng "panunuyo" nito?
BACK TO YOUR HEART
Kaya ngayong muling nagkrus ang kanilang mga landas ay gagawin niya ang lahat mahalin lamang uli suya nito.
Pero tila walang epekto rito ang mga ginagawa niya.
Hindi na ba siya mahal nito?
SEND IN MY PRINCE CHARMING
May problema nga lang. Parang worlds apart ang mga personalidad nila. Seryoso ito, mababaw lang ang kaligayahan niya. Masyadong organized ito samantalang siya ay makalat. Mahilg ito sa mga makabuluhang pelikula, habang siya ay masaya na kay SpongeBob.
Pero mahal nga niya ito. Paano niya paglalapitin ang kanilang magkaibang mundo?
LET ME CALL YOU SWEETHEART
Ang hindi niya maintindihan, bakit sa kabila ng mga sakit na tinatamo nito sa kanya ay balik ito ng balik? Nakaka-addict ba ang mga hampas at tadyak niya rito?
Hindi na nakatiis ang kuya niya sa pagsasakitan nila ni Chance kaya nakielam na ito. "Kaya balik nang balik 'yon ay dahil mahal ka ng ugok na 'yon, sis."
Mahal siya ni Chance? Ang saksakan ng guwapong lalaking 'yon, torpe?
Ha-ha! Lagot ka sa akin, Chance!
LOVE COMES KNOCKIN'
Kaya labis syang natuwa nang kausapin siya nito. Nasundan iyon nang nasundan hanggang sa maging magkaibigan na sila.
Ngunit isang araw ay nalaman niyang may minamahal na ito. Ang masakit pa, patay na ang babae pero patuloy na minamahal ito ni Jordan.
Paano siya makikipag kumpitensiya sa isang taong hindi na nag-e-exist pero patuloy na minamahal ng lalaking mahal niya?
THE LOVE NEXT DOOR
Isang lalaki ang nakakuha ng interes ni Sasha habang nakikipaggitgitan siya sa MRT. Nagka-crush siya lalo rito nang ipagtanggol siya nito sa babaeng nagtaray sa kanya. At pagkatapos niyon ay pinaupo pa siya nito. Ang buong akala niya ay hanggang doon na lamang ang kanilang pagtatagpo. Hindi niya inakala na pagdating niya sa opisina ay matutuklasan niya na ito pala ang bagong amo niya na si Mr. Raiden Altavano. Paano kaya siya makakapagtrabaho nang maayos kung palagi siyang madi-distract sa ngiti at kaguwapuhan nito? Nagpapayaman sa kanyang flower and vegetable farm si Gigi nang makilala niya ang bored na playboy na si Zeek. Kaya nang ideklara nitong liligawan siya nito, walang kakurap-kurap na binasted niya ito. Ang akala niya ay titigil na ito pero sa halip na layuan siya ay lalong naging pursigido itong ligawan siya. Kaya kinompronta na niya ito. Guia was a walking nightmare, literally and figuratively. Kapag nakikita siya ng mga tao ay nagtatakbuhan palayo ang mga ito at dumidiretso sa mga simbahan para magpabasbas upang hindi raw niya dalawin ang mga ito sa panaginip. Dahil doon kaya ipinasya niyang magkulong na lang sa kanyang madilim na silid—kapiling ang mga horror movies na kinahihiligan niya. She would have stayed out of everyone's sight if it hadn't been for Jed, a playboy who was desperately in need of a household help. Positibo pa rin ang pananaw ni Raia sa buhay. Kahit pa tila siya ang nakasalo ng lahat ng problema sa mundo. Tulad na lang ng muntik pa siyang masagasaan dahil sa pakikipaghabulan niya sa mga pulis bilang illegal vendor. Mabuti na lang at may sumagip sa kanya–si Faustino Valles. Guwapo, mukhang anghel, at mayaman; pero suplado, antipatiko, walang puso at manhid. Dani never did soften up to love. Nadala na kasi siyang umibig kaya ibinaling niya sa pagpipinta ang kanyang atensiyon. Kung mayroon mang nagtatangkang manligaw sa kanya ay dumadaan ang mga ito sa butas ng karayom. Problemado sa pera sina Juni at ang kanyang mga kaibigan. Kaya naisipan niyang isangla muna ang pinakmamahal niyang laptop computer. Serge and Aera had been best friends since childhood. May isa pang pinagkakasunduan ang dalawa: ang lihim na pagsinta ni Aera sa nakatatandang kapatid ni Serge na si Gian. Sa binata siya nanghihingi ng mga advice at kung anu-anong impormasyon tungkol sa kuya nito dahil hindi niya magawang makalapit at makausap nang maayos ang kanyang sinisinta. Hindi inakala ni Elyunor na ang isang harmless na pagdya-jogging isang madling-araw ay magiging umpisa ng walang katapusang kaguluhan sa kanyang buhay. At ang lahat ng iyon ay dahil lamang nabangga niya si Jin, ang lalaki na kahit naglukuksa pa rin sa kamatayan ng kasintahan nito ay nagagawa pa ring magsungit sa kanya. Saia and Hadji started out as enemies—well, at least on Saia's part—dahil wala namang ginawa si Hadji kundi ang kunin ang amor niya tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon. Kaya naman hindi na kataka-takang may maramdaman silang kaguluhan sa kanilang mga sarili na dulot ng isa't isa. Bisperas ng ikadalawampu’t walong kaarawan ni Julie nang humiling siya sa Diyos ng isang regalo. “Isang lalaki po na mamahalin ko. At kung puwede po sana, mabait at guwapo siya. Puwede rin pong mayaman siya at may magandang kotse para puwede niya akong ihatid-sundo sa opisina ko araw-araw.” Four years after na mabigo si Kookie sa isang pag-ibig ay bumalik siya sa bansa at nagtayo ng isang learning center for kids. Everything was doing fine until she realized the her neighbor just across the spacious parking lot of the business complex they were in, was a bar and restaurant owned by none other than the very person who broke her heart four years ago. Si Jairus. Xycie was turning twenty-eight pero magulo pa rin ang utak niya. Tila walang patutunguhan ang kanyang buhay. Ayaw na rin niyang pamahalaan ang furniture business ng pamilya nila. Hanggang sa magpasya ang kanyang mga magulang na isara na lamang iyon. Minsan na siyang sinaktan ni Raijin kaya ayaw nang magtiwala uli ni Hellene dito. Wala siyang balak na patawarin ito kahit paulit-ulit pa itong humingi ng tawad sa kanya. Pero sa walang-sawang panunuyo nito at walang-tigil na pagdedeklara nito—saan man naroroon ito—na mahal na mahal pa rin siya nito ay unti-unti nang natitibag ang yelong nakabalot sa kanyang puso. Nagbakasyon si Maja sa probinsiya kung saan naninilbihan ang tiyahin niya. Isang araw ay nag-volunteer siya na magmaneho para sunduin ang anak ng amo nito—si Glenn. What she thought was a wonderful vacation turned out to be a disastrous one. Labis ang paghanga ni Sassa para kay Tommy Fontanilla, ang vocalist ng paborito niyang banda—ang Sentinel.PHR #2663: Hooked On A Feeling
Sonia Francesca
PHR #2698: This Certain Feeling
Sonia Francesca
"Paano ako mai-in love sa isang taong alam kong nagpapalipas lamang ng oras sa pamamagitan ng panliligaw sa akin?"
Kung ganoon nga, bakit tuwing tititigan niya ito ay nagba-blush siya? PHR #2707: Trust Me Your Heart
Sonia Francesca
Basta na lang siya kinuha nito sa kanilang bahay at dinala sa kung saang lupalop ng daigdig upang magpaturo ng mga gawaing-bahay. Obvious na hindi sila kailanman magkakasundo.
Pero bakit iba na yata ang nararamdaman niya habang lumilipas ang mga araw na kapiling niya ito? Was she starting to fall for him? PHR #2718: Loving Faust
Sonia Francesca
Tagilid pa yata ang magiging knight in shining armor niya. Paano na ang kanyang kagandahan?PHR #2721: Paint My Heart
Sonia Francesca
Hanggang sa nakilala niya si Justy Ueki Tyler. The guy was sinfully gorgeous. She just loved this slightly arrogant, slightly selfish, overly handsome and totally great guy. Pero biglang kumulo ang dugo niya rito nang marinig niyang laitin nito ang kanyang mga obra-maestra.
How dare the man! Wala itong alam sa art kaya wala itong karapatang insultuhin siya. Kaya nga nang makilala niya ang kapatid nito na si Ginny—at pinakiusapan siyang akitin ang workaholic monster na kuya nito, she did exactly what she was not supposed to do. PHR #2731: Maybe You're My Love
Sonia Francesca
Ngunit dahil okupado ang kanyang isip, muntik na siyang madisgrasya. Ang masaklap, ang pinakamamahal niya laptop ang nadali dahil iyon ang sumabit sa kotseng muntik nang makabundol sa kanya. Nagkapira-piraso ang kanyang laptop.
Frustrated with everything in her life, she started crying in the middle of the street. Hanggang isang anghel ang lumapit sa kanya sa katauhan ni Forrester Caldona, ang may ari ng sasakyang muntik nang makadisgrasya sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang lahat ng pag-aaring dala nito sa katawan para lang tumigil siya sa pag-iyak.
Nang makita niya ang guwapong mukha nito, parang hindi lamang ang kayamanan nito ang gusto niyang ibigay nito sa kanya. She wanted to own his heart and love, too.PHR #2736: Wake Up, Pretty Little Heart
Sonia Francesca
Pero sa isang araw, nagalit na si Serge. “Gian, Gian! Puro ka na lang Gian! Pagbubuhulin ko kayong dalawa riyan!”
Hala! Ano’ng nangyari? At bakit nang dumating na ang pagkakataong makadaupang-palad niya ang kanyang pangarap na Prince Charming, ibang charming prince na ang hinahanap-hanap ng puso niya? PHR #2739: Return to Love
Sonia Francesca
Isang gabi, nagkabanggaan na naman sila at nakapagbitiw siya ng mga masasakit na salita rito. Wala siyang balak na makonsiyensiya kung hindi lamang ito nawalan ng malay dahil sa kalasingan.
”Help…me…”
Puso na niya ang nag-utos sa kanya na tulungan ito. Yeah, as in heart. Pambihira! Nahulog pa yata ang kanyang loob sa bigong lalaking ito!PHR #2745: Wandering Heart
Sonia Francesca
She started asking herself. Hindi kaya pangit siya? Isa lang ang malakas ang loob na sumagot niyon—si Sky, ang nerd na kapitbahay niya.
“Kung maganda ka, bakit kailangan mo pa ang opinyon ko?”
Anak ng patis! Hindi na dapat siya nagtanong pa. Ayaw niyang tanggapin ang naging kasagutan nito kaya nagbanta siya na hinding-hindi siya aalis ng bahay nito hangga’t hindi ito naaakit sa karisma niya. Pero bakit tuwing titingnan niya ito ay hindi isang nerd ang nakikita niya? Ang mas masaklap, parang siya pa ang naaakit sa karisma nito! Baliktad yata.PHR #2801: Addicted to Love
Sonia Francesca
Isang gabi, nagpasya silang alamin kung ano ang dahilan ng lahat ng nangyayaring iyon sa kanila. They started going out. And then they found out they weren't really that bad. Hanggang sa namalayan na lang ni Saia na nagmamahal na pala siya. Pero pinigil niya iyon. Dahil nakatali na siya sa obligasyon niya sa kanyang mga magulang.
Makakaya kaya ng pagmamahal ni Hadji na mabawi ang puso niya mula sa obligasyong iyon?PHR #2850: For the Love of Julie
Sonia Francesca
Afterwards, she went out for a walk. At nagkabanggaan sila ni Lancer na ikinatumba niya. Walang kaabug-abog na pinasan siya nito para dalhin sa ospital. Pero nagulat siya nang pagkatapos siyang ideposito nito sa sasakyan nito ay basta na lamang siya hinalikan nito.
“Happy Birthday, Julie Anne,” sabi nito kapagkuwan.
He was her first kiss. Could he also be the first man she would ever love? Pero ayaw niya rito. Hindi ito pasado sa standards niya para sa isang lalaking mamahalin niya. Ngunit bakit ganoon? Bakit parang iba naman ang sinasabi ng kanyang puso?
Something was wrong with her heart… PHR #2874: Hello, Love...Once Again
Sonia Francesca
Sinabi niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Ngunit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na muling nagmamahal sa lalaking siya ring naging dahilan ng pagluluksa niya sa pag-ibig.
`Cannot be! `Cannot be! Sigaw ng isip niya.
Ang kaso, makinig naman kaya ang kanyang puso? PHR #2885: Let Me In Your Heart
Sonia Francesca
Matutuwa na sana siya pero biglang umentra sa eksena si Jethro, her brother-in-law's estranged brother. Nag-request ito na sa kompanya nila mag-training. Ang dating magulo niyang utak ay lalong nagulo, lalo na sa tuwing makikita niya ang guwapong mukha nito.
Bigla ay ayaw na niyang magsara ang kompanya nila. Sa pamamagitan na lamang niyon niya makakasama palagi si Jethro. Ang kaso, ayaw pumayag ng kanyang mga magulang.
Ngayon ay may dalawang bagay siyang dapat patunayan: una, na karapat-dapat siyang bigyan ng ikalawang pagkakataon ng kanyang mga magulang na pamahalaan ang kompanya nila: pangalawa, ang patunayan kay Jethro na siya ang babaeng itinakda para dito.
Mapagtagumpayan kaya niya ang mga iyon? PHR #2890: For the Love of Hellene
Sonia Francesca
Ngunit kailangan niyang magpakatatag. Hanggang kailan kaya ang itatagal niya bago tuluyang sumuko ang kanyang puso?PHR #2913: Take My Love
Sonia Francesca
Nagkaroon ng amnesia si Glenn nang dahil sa kanya. What was worse, siya pa ang napili nito na palaging dikitan dahil siya lang daw ang link nito sa kung sino ito. She thought it was just right since it was, after all, her fault why he lost his memory.
Hanggang sa namalayan na lang niyang naglaho na ang lahat ng negative impression niya rito. Ibang-iba kasi ito noong unang nakilala niya ito. Tuluyan nang nahulog ang loob niya rito at nadoble pa ang kasiyahan niya nang magtapat ito sa kanya.
Pero nagbalik ang alaala nito. At hindi na siya ang maalala nito. Ano na ang gagawin niya ngayong nakuha na nito ang puso niya? PHR #2713: Crazy Little Thing Called Love
Sonia Francesca
Sa palagay niya ay mahal na nga niya ito dahil pati poster nito ay kinakausap niya.
Tuwang-tuwa siya nang malaman niyang mai-interview niya ito. Ngunit dahil sobra-sobra ang paghanga niya rito ay pumalpak siya. Sa halip kasi na tanungin ito ay tulalang nakatingin lamang siya rito. Na-starstruck talaga siya rito.
Iyak siya ng iyak hanggang sa pag-uwi niya dahil sa kapalpakang iyon kaya naibuhos niya ang kanyang sama ngloob pati sa driver ng taxi na nasakyan niya. Ikinuwento niya rito kung gaano niya kamahal si Tommy na ngayon ay siguradong naiinis na sa kanya dahil sa kinalabasan ng interview na iyon.
Ang hindi niya alam, si Tommy na pala mismo ang driver na kausap niya! Ang kotse nito ang nasakyan niya nang hindi sinasadya! Ano na ngayon ang gagawin niya?
Golden Heart Series!!!
GOLDEN HEARTS SERIES 1: Here's My Heart
Nabigo si Bing sa unang lalaking kanyang minahal. Si BenjPogi, ang lalaking nakilala niya sa Internet chat, who also happened to be her annoying neighbor Benjie. Nang dahil sa nangyariay nagalit siya ng husto rito at hindi na niya pinansin pa ito kahit halos magkatapat na lang ang kanilang mga bahay.
Ngunit pagkalipas lang ng ilang buwan, naging visible uli sa kanya si BenjPogi, hindi bilang isang cyber chat guy kundi sa katauhan ni Benjie. Nagpaalam pa ito na liligawan daw siya nito. Tinanggihan niya ito. Hinding hindi na uli niya ipagkakatiwala sa kahit na sinong lalaki ang kanyang puso.
Pero bakit tuwing makikita niya ito ay hindi naman mapakali ang pinagkakaingatan niyang puso? It seemed like her heart always wanted to run towards the very guy she had sworn to hate.
GOLDEN HEARTS SERIES 2: Romancing Cupid
Simple lang ang pangarap ni Agnes--ang magkaroon ng simpleng buhay, na walang komplikasyon na gaya ng mga nababasa niya sa mga nobelang ine-edit niya. She wanted world peace, love and unity for all mankind.
Ngunit dumating sa buhay niya ang isang panggulo--si Val. Daig pa nito ang surot na walang ginawa kundi ang sumulpot-sulpot sa buhay niya at gawing imposible ang mga dumarating na araw sa kanya. Alam niyang kaya niyang i-handle ito--kung hindi lang nakigulo rin ang puso niya.
Subalit kahit ganoon, parang mas masaya siya ngayon sa kaguluhang hatid ni Val at ng makulit niyang puso kaysa sa world peace, love and unity for all mankind.
GOLDEN HEARTS SERIES 3: Crazy For This Girl
Ami didn't believe in love. And the men who tried to capture her heart bored her. Pero isang hapon, habang naglalakad siya, isang guwapo ngunit galit na galit na lalaki ang lumapit sa kanya. Muntik na raw siyang masagasaan nito dahil nangangarap siya nang gising. Nakaganti naman siya sa pang-iinsulto nito.
Mabuti na lang at hindi na uli sila nagkita ng lalaki dahil baka maibitin na siya nito nang patiwarik dahil sa sobrang gigil nito sa kanya. Kahit nakadama pa siya ng pang-hihinayang dahil ito lang ang tanging lalaking nakakuha ng kanyang atensiyon.
Ang kaso, nagbiro ang tadhana. One day, her boss announced: "This is my brother Ryder James. Siya na muna ang magte-take over ng posisyon ko rito sa Golden Pages habang wala ako," anunsyo nito.
And the said brother was the very same man whom she wished to never see again!
GOLDEN HEARTS SERIES 4: Her Own Prince Charming
Atat nang ma-in love si Gracie. Paano ay siya na lang ang nag-iisang single sa editorial department ng Golden Pages< ang pinapasukan niyang publication. Hindi naman niya kailangang maghintay ng matagal dahil dumating din sa buhay niya si Dave. Lahat ng katangian ng Prince Charming na hinahanap niya ay narito na--guwapo, mayaman, mabait.
Guwapo, mayaman, masungit, antipatiko, suplado, ungentleman, at malakas mang-asar--ang mga iyon naman ang discription niya sa may-ari ng Golden Pages na si River Jay Villegas. Paano ay palagi na lang siyang pinagdidiskitahan nito kapag nakikita siya.
Hindi kaya may gusto ito sa kanya?
"you're not my type. Too short. Kapag hinalikan kita, siguradong mababalian ako ng spinal cord," pahayag nito.
Ganoon? Bakit palaging galit ito kay Dave kapag magkasama sila na animo nagseselos ito?
** LOS CABALLEROS**
# 1.
BASTA PARA SA'YO
Si Yuna ang tipo ng babaeng once in a blue moon kung umibig. Kaya nang mabigo siya sa unang lalaking kanyang minahal, nasaktan talaga siya nang husto. The night she broke up with her boyfriend was also the night she promised herself she would never fall in love again.
But it was also the same night she met Duke, the guy whose favorite hobby was sleeping. Pero sa kabila ng iritasyon niya rito dahil sa hobby nito, hindi pa rin niya maiwasang isipin that there was more to him than met the eye. She was right. Dahil kahit ano'ng gawin niya, hindi pa rin niya napigilan ang sariling magmahal uli-sa katauhan nito.
Pero ano ngayon ang gagawin niya nang sinabihan siya nitong boring daw na maging girlfriend siya? Sampalin kaya niya ito ng magising ito sa katotohanang may gusto rin ito sa kanya?
# 2.
SIMPLY MEANT TO BE
Mula sa langit ay biglang may bumagsak na lalaki sa bahay nina Maige. Ang nagpi-feeling si Superman ay walang iba kundi si Alexiel Abrevega, isang guwapo at mayamang businessman. Doon ito dinala ng hangin nang mawalan ng kontrol ang parachute nito.
Sa pinagbagsakan nito ay may nakita siyang kuwintas na may nakasabit na dalawang singsing. Naisip niyang marahil ay sa binata iyon kaya nagpasya siyang isauli iyon.
Ngunit hindi na matanggal sa daliri niya ang isang singsing nang subukan niyang isukat iyon.
"Bakit suot mo iyan?" tanong ni Alexiel sa kanya nang magtungo siya sa opisina nito upang isauli ang kuwintas.
"Ayaw nang matanggal, eh!" sagot niya.
"Only the woman I'm going to marry could wear that ring."
Lihim na napangiti siya. Ibig bang sabihin ay siya ang babaeng iyon?
# 3.
PUSTAHAN TAYO, MAHAL KITA
High school rivals sina Ysabella at Zultan. Wala silang ginawa noon kundi ang maglaban sa kahit anong larong maisipan nila. Nine years later, muli silang nagkita. At gaya ng dati, nagkokompitensya pa rin sila. Ngunit hindi tulad noon, ngayon ay may pustahan na sila.
Because at stake were their own hearts.
Paano nila paglalabanan ngayon ang isang kompitisyong pareho nilang hindi pwedeng dayain?
# 4.
MY LOVE. MY HERO
Hero was Cyan's best friend. Iyon ay according lang sa kanya. Palibhasa, mga bata pa lang sila ay magkasama na sila. But he never accepted that fact ever since. Okay lang iyon sa kanya, tutal ay nakasanayan na niya iyon. Basta para sa kanya, best friend niya ito.
Nagbago ang lahat nang bigla na lang siyang mawalan ng atraksyon sa opposite sex. At nalaman niya ang dahilan-- si Hero.
Tuloy, parang gusto na rin niyang ipagpasalamat na laging tinatanggihan nito ang friendship niya. Atleast, walang hadlang kung sakaling pagbigyan niya ang damdamin niya rito na minsan na rin niyang naramdaman noong nasa high school sila.
Would he dny her the way he had denied their friendship?
#5.
GUILTY OF LOVING YOU
Rally had a high school crush on Inaki del Moral. Ang kaso, hind niya magawang kausapin man lang ito dahil sobrang mahiyain siya. Hanggang isang araw, dala ng sulsol ng isang kaibigan, nagawa na rin niyang lapitan ito. Pero kung kailan naman na-summon up na niya ang lahat ng kanyang lakas ng loob at kapal ng mukha ay saka siya nakatanggap ng pinakamatinding rejection mula rito.
Dala niya ang mga hinanakit na iyon hanggang sa kanyang paglaki, kung saan nagbago na ang lahat sa kanya. She wasn't the timid high school irl anymore. Pero bakit nang makita uli niya ang tanging lalaki na naging bahagi ng puso niya noon ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya? Naroon pa rin ang mga kilig at pintig ng puso na naramdaman niya noon dito.
Paano na ang hustisyang hinihingi ng kanyang sugatang puso?
#6.
I LOVE YOU AND IT'S ALL RIGHT
Naghahanap ng katarungan si Elaiza para sa naging kabiguan niya sa pag-ibig. She wanted to get even with her ex-boyfriend. Subalit nang gabing nagpasya siyang isakatuparan ang kanyang plano, saka naman niya naka ingkwentro ang isang Hapones na nagpipilit maging Pilipino kaya balu-baluktot ang pagsasalita nito ng Tagalog.
Dala ng Kalasingan, ito ang napagdiskitahan niya. At nang mahimasmasan siya, nasa ibang bahay na siya. Rather, kuwarto pala--ni Reiji Watanabe!
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang isang pirasong tuwalya lang ang nakatapi sa halos hubad na katawan nito.
Oh, no! Did she sleep with a stranger?
#7.
MY GIRL
Buo na ang pasya ni Aya na makuha ang pamana sa kanya ng grandparents niya. May isang problema lang: kailangan siyang magpakasal bago ang susunod na kaarawan niya. At dahil sa ilang linggo na lang bago sumapit iyon, naghanap na siya ng maaaring pumayag sa plano niyang magpakasal sa kanya at kapag nakuha na niya ang mana niya ay maghihiwalay na rin sila.
She would even resort to bribery, kung hindi lang niya nakita si Maverick Apostol, ang lalaking bigo sa pag-ibig dahil ang babaeng minahal nito ay sa pinsan pa niya nagpakasal. Pero hindi ito naging madaling kausap kaya kinailangan pa niyang ipakulong ito para lang pumayag ito sa gusto niya.
All right! She got herself married, a good-looking husband and the money she wanted. Pero bakit tuwing maiisip niyang maghihiwalay na sila ni Maverick ay parang gusto na niyang kalimutan ang pera?
Rancho Estate Series
# 1.
GUSTO KITA NOON, CRUSH KITA KAHAPON, LOVE KITA NGAYON
"I agree to court you. But I never planned falling in love with you. And of all the things that I didn't plan, that was the one thing I gladly, happily and wholeheartedly accepted."
Frances was the classic example of a woman who was burnt out of love. mula nang mabigo siya sa kanyang unang pag-ibig ay hindi na niya nagawa pang magmahal uli at ibuhos na lang niya sa mga ginagawa niyang nobela ang kanyang mga pangarap pag dating sa pag-ibig.
Nakahanda na siyang harapin ang habang-buhay na pag-iisa nang makita niya sa labas ng bintana ng kanyang kuwarto si Ylac, ang green-eyed half turkish na kapitbahay niya habang ibinabalik nito sa puno ang isang pugad ng ibon. mula noon, hindi na natahimik ang kanyang mundo.
"Seni seviyorum, Frances."
She couldn't understand what he said. And she couldn't understand why she was starting to feel something for this adorable Turk. but she liked hearing him saying it.
# 2.
WALANG MATIMTIMANG PUSO SA MAKULIT NA PAG-IBIG
"Masarap ang magmahal. Subukan mo minsan. Siguradong hindi ka magsisisi."
Unang kita pa lang ni Cherry sa bagong amo na pinapasukan niyang kumpanya ay nakuha na agad nito ang kanyang atensiyon dahil gwapo ito. Pero pagkatapos siyang ipahiya nito sa harap ng mga kasamahan niyang empleyado, napalitan ng ngitngit at inis ang nararamdaman niyang paghanga rito.
Ngunit isang araw ay nagulat na lang siya nang bigyan siya nito ng bulaklak.
"I like you, Cherry," wika nito. "You don't mind, do you?"
Gosh! ang haba ng hair niya!
# 3.
LOVE IN A JIFFY
"IKaw na lang lagi ang nasa isip ko. I want to see you every single day of my life, Rushell. God only knows how much I want to hear your voice again."
Pakiramdam ni Rushell ay war sila ni Kupido. Paano ba naman, dalawang beses na itong pumapalya sa trabaho nito. Dalawang beses na tuloy siyang nabibigo sa pag ibig. Kung totoong nag-e-exist nga lang ito, irereklamo na niya ito sa Department of Labor.
Hanggang sa nagpasya siyang tigilan na ang paniniwala sa true love.
Ngunit isang araw, habang nananahimik siya sa isang tabi, dumating ang panibagong recruit ni Kupido--si Lee Kum Kee. Nakakatawa ang pangalan nito pero hindi naman matawaran ang kaguwapuhan ng Chinese guy na ito.
Pero dapat pa ba niyang pagkatiwalaan si Kupido?
# 4.
MY GRUMPY AMORE
"Pagsisilbihan kita buong buhay ko. Pakakasalan kita sa lahat ng simbahang alam ko at hahayaan kong sundan mo ako kahit saan ako magpunta. I'll even try to like cute things just to make sure you'll stay with me for the rest of my life!"
Sumampa si May sa hamba ng bintana ng bahay ng sinisintang si Carrive. The atmosphere inside smelled heavenly. She just couldn't help herself reaching for the draperies and touching it against her cheeks.
"Satin.. soft... manly," sambit niya. "Must remember this for fantasy dream later--aaahhh!"
Bumagsak siya sa carpeted floor. Sa pagmamadali niyang makalabas ay lalong hindi siya makahanap ng exit. Pinilit na lang niyang magtago sa likod ng isang sofa. and then she heard footsteps and that handsome baritone voice.
"Who are you and what the hell are you doing in my house?"
# 5.
KISSING CUPID
"With just one look at you, sira na ang concentration ko."
May habit si Jade na gawing organisado ang lahat sa kanyang buhay--from her love life to her work. Bilang isang photojournalist, naging katwiran na niyang kaya hindi gumaganda ang gobyerno ng bansa ay dahil walang disiplina ang mga tao. So, she set herself as an ideal example of a discipline citizen.
But everything turned into a chaos when Cupid started doing his thing. Dahil itinambak nito sa buhay niya ang pasaway na si Ryan San Diego.
# 6.
SLEEPING ANGEL
"Nang makita kitang umiiyak... akala ko ay naawa lang ako sa iyo kaya tinulungan kita. But I realized I didn't do it because I pitied you. It was because I knew I never really wanted to see you cry, hurt, or in pain..."
"Tama na ang isang beses akong nagmahal at nasaktan."
"You really can't help falling in love, Leilani. Walang makakapagsabi kung kailan ka magmamahal. Kaya nga may first love, hindi ba? Dahil may second love, third, fourth, and so on."
"The first heartache is enough for me. Ayoko nang second heartache, third, fourth, or so on..."
Iyon ang sinabi ni Leilani kay Ian, ang lalaking sa una ay kinamuhian niya subalit siya pang nangalaga at dumamay sa kanyang unang pagkabigo sa pag-ibig.
Ito rin ang lalaking muling kumatok sa kanyang puso. Would she take another chance at love?
# 7.
REED IN MY HEART
"I've been tryng to hate you for years. But I always end up loving you even more."
Jackielyn was the most outgoing person in their barkada, to the point na halos ikasira iyon ng pagkatao niya noong nasa kolehiyo pa lang sila. Gayunpman, tinanggap pa rin siya ni Reed sa puso nito.
Ngunit hindi niya inakalang ito man ay maniniwala sa reputasyong ikinakabit sa kanya. They parted ways on a sour note.
Six years later, they met again, Her reputation in college still haunted her. And so was her love for the only man in her heart. Paano niya ngayon buburahin sa isip nito na iba ang pagkakakilala ng lahat sa kung sino ang talagang siya? At paano niya muling maibabalik ang pag-ibig nitong minsan ay inialay nito sa kanya?
# 8.
A DAILY DOSE OF TENDER LOVIN' DR. RAIZEN
She had never felt this need before--needed by a man who was strong, more powerful than she was. It was the most wonderful feeling she had ever felt.
Si Jereth ang unang naging engaged to be married sa kanilang siyam na magkakaibigan. Pero ang nangyari, mukhang siya pa ang huling maikakasal dahil ang damuhong boyfriend niya ay nahuli niyang may ibang babae. From then on, she started swearing off any romantic possibility that came her way.
Until she met Dr. Raizen Villamar, the handsome doctor with the most charming smile she had ever seen. Ito na kaya ang gamot sa kanyang sugatang puso? O isa nanamang kabiguan ang hatid nito sa kanya?
# 9.
RACHEL'S SWEET SURRENDER
"Mahal ko ang lahat-lahat sa iyo. Kasama na ang buong digestive system mo."
Don't open your eyes, Rachel, bulong niya sa isip. Don't open your d**n eyes. Ngunit hindi rin siya nakatiis. She opened her eyes and she was greeted by the most handsome face she had ever wanted to see in her entire life, only a few inches away from hers!
"Hi!" nakangiting bati ni Melvin.
Pagkatapos ay narinig na lamang niya ang kanyang sariling nagsalita. "Will you marry me?"
Muntik na niyang sampalin ang sarili. How could she ask him that thing when they had only been ogether again for only a few minutes after fourteen years of not seeing each other?
"Yes, Rachel," sagot nito. "I will marry you."
Okay. Now, what?
Skylanders Series
Sonia Francesca and Sofia
Jet Lee and His Secret Heart
-Sonia Francesca-
"You can't heal a broken heart if you're not willing to let go of your feelings for that person who hurt you."
Hindi inakala ni Charity na sa pag punta niya sa Sagada ay makikilala niya ang isang lalaking katulad ni Jet na sa isang ngiti pa lang ay nanlalambot na ang kanyang mga tuhod. She had never been affected by a guy before.
Ngunit mailap naman si Jet. Nararamdaman niyang nais din siyang makilala nito nang lubos ngunit kapag nagkakalapit na sila ay biglang idinidistansya nito ang sarili.
Hanggang sa malaman niya ang dahilan ng pag-iwas nito. Magagawa ba niyang ipaintindi rito na hindi mali na umibig ito? Dahil sa maikling panahong nakilala niya ito ay buong-buong naangkin nito ang kanyang puso.
Rui of the Dark Night
-Sofia-
"I'd be a star with no night if i don't have you."
Nakilala ni Jemarra si Rui noong nasa Sagada siya para sa isang assignment sa pinagtatrabahuhan niya. Nagka-crush siya rito dahil tipo talaga niya ang mga lalaking may singkit na mga mata. Pero suplado ito. Ni lingunin siya ay tila ayaw nitong gawin.
Iignorahin na rin sana niya ito kung hindi lang sila pinaglapit ng pagkakataon. Ito ang tumulong sa research niya. Akala niya ay magtutuloy-tuloy na iyon. Nakakasilip na siya ng pagkakataon na magkaroon ng magandang future ang pinagsamahan nila.
Ngunit bigla niyang nalaman na ang kasamahan niya sa trabaho ang ex nito sanhi ng kawalang-tiwala nito sa pag-ibig.
Paano na siya? Papayag ba siyang mapunta lang sa wala ang lahat ng effort niya?
Hindi yata!
Rohann, Heart of the Raging Storm 1
-Sofia-
"Masaya na ako na alam mong mahal kita at alam ko rin na gusto mo ako. Nagkakaintindihan na tayo n'on. Until such time you can love me, I'm willing to wait."
Nagtungo si Kimberly sa Baguio upang hanapan ng katarungan ang pagkamatay ng kapatid niya. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon upang makita ang taong dahilan ng maagang pagkawala ng kanyang kuya.
Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Rohann Madrigal, ang kapatid ng taong hinahanap niya. At lalong hindi niya inakalang agad na mahuhulog ang loob niya rito. She was in fact so inlove with Him. Kailanman ay hindi niya maaatim na gamitin ito para lang maghiganti ang kanyang pamilya. Alam niyang may ibang paraan para makakuha siya ng katarungan.
But things got out of hand. Nagbanta ang grupo ng kuya niya. Nabunyag kay Rohann ang dahilan ng pag tungo niya sa Baguio.
At ang pagmamahal na sa tuwina ay nasasalamin niya sa nga mata nito ay napalitan ng ibayong galit...
Rohann, Heart of the Raging Storm 2
-Sofia-
"You are the only memory I can't let go. At ayokong manatiling alaala lang ang lahat. I want to make it real..."
Nang malaman ni Kimberly na namatay si Rohann, kasama na ring namatay ang kanyang puso. At sa loob ng maraming taon, nabuhay siya sa kalungkutan. Batid niya na kailanman ay hindi na siya magiging masaya.
Sa pagpunta niya sa Sagada, ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya ang binata. Akala pa nga niya ay nagmumulto ito. But he was real.
Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Babawi siya sa lahat ng nangyari sa nakaraan. At sisikapin niyang mahalin uli siya nito gaano man kahirap gawin iyon dahil ang kaligayahan niya ang nakataya.
Aki in the Mist
-Sonia Francesca-
"Sabihin mo nang abusado o makasarili ako. Pero gusto kong ariin ka nang buong-buo, kasama na roon ang puso at pag-ibig mo."
Hindi inaasahan ni Aki na muling magkukrus ang mga landas nila ni Rajin pagkatapos ng maraming taon. Maraming alaala ang hatid ng muling pagkikita nila, lalo na ang gabing pinagsaluhan nila noon--na nagbunga ng isang anak.
Now he wanted to be a part of their daughter's life. Inalok din siya nito ng kasal.
Gustong-gusto niyang tanggapin iyon. Ngunit may pangamba sa puso niya. Nais niyang masiguro na hindi lang ang anak nila ang dahilan. Kundi dahil may katapat ang damdamin niya para dito.
Arwen's Skyland Heart
-Sonia Francesca-
Nang makita uli kita, saka ko na-realize kung bakit naiinis ako sa iyo dahil lagi na lang kitang naiisip, at kung bakit mas pinili kong makipag-asaran sa iyo sa halip na lambingin ka. Because I've been in love with you all along."
May hindi pagkakaunawaan sina Arwen at Raju ng umalis ang binata sa Sagada. Ngunit pagkaraan ng dalawang taon ay bumalik ito.
Nagulat siya ng batiin siya nito bigla, na para bang bale-wala na rito ang nakaraan. Hindi siya handa roon. Lalo na sa damdaming muling pinukaw nito sa kanyang puso.
Yes, she was still in love with him. At kahit anong pilit niya na isantabi ang damdaming iyon ay hindi niya magawa, lalo at pilit na nakikipaglapit uli sa kanya ang binata...
Michael James, Child of the Rain
-Sofia-
"Marami pang darating na ulan sa atin. Wala akong pakialam kung mabuti o masama ang hatid niyon. Ang mahalaga, kasama kita. You are the best thing that the rain brought to me."
Nabigo man si Jenna sa pag-ibig, hindi niya masasabing miserable siya. Nagtungo siya sa Sakada upang makahanap ng katahimikan.
Sagada was heaven. Doon niya natagpuan ang kapayapaan na hindi niya matagpuan sa siyudad. At doon din niya natagpuan si Michael James Lizardo, ang sikat na atleta na bigla na lang nawala sa sirkulasyon.
She instantly felt an attraction towards him. Kunsabagay, noon pa naman talaga niya crush ito. At ang pinakamaganda, kapitbahay niya ito sa Sagada.
Ngunit ang malungkot, tila may nakaraang pag-ibig na hindi nito makalimutan.
Makakaya ba niyang buksan ang puso nito para muling magmahal?
Charming Neo
-Sonia Francesca-
"Akala ko natutuwa lang ako sa iyo kaya lagi kitang gustong makita, kung bakit gustong-gusto kong nahuhuli kang nakatingin sa akin. I didn't realize I've already fallen for you until you told me you feel something special for me."
Sumama si Charisma sa pamilya ng ate niya nang magtungo ang mga ito sa probinsya ng kanyang bayaw para sa family reunion ng mga ito. Wala naman siyang gagawin dahil kare-resign lang niya sa trabaho.
Hindi niya inaasahang magiging daan ang pagpunta niya sa Sakada para magkaroon ng kakaibang twists and turns ang kanyang buhay. At ang lahat ay dahil sa guwapong dayuhan na si Neo, ang matalik na kaibigan ng kapatid ng bayaw at mas Pinoy pa yatang mag-isip kaysa sa kanya. He created a disturbance in her heart that she could not ignore. And she was falling harder for him each day they spent together...

