Wednesday, March 3, 2010

bob ong's quotations....


Kaya nahihirapan tayo na magpatawad ng isang taong nakasakit sa'tin ay dahil inilagay natin sa isip natin na tayo lang ang nasaktan.



Kung ang lahat ng ginagawa nya ay binibigyan mo ng kahulugan, konti na lang. DICTIONARY ka na!



Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan. Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.




Mahirap magmalasakit sa buong mundo habang natitisod ka sa mga nagkalat na pulubi sa sarili mong bansa.




Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... ganyan ang scenario sa bus, ganyan din sa pag-ibig... lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa.





Bago ka mag-react, isipin mo muna kung bakit biglang nagbago sa'yo ang isang tao. Kasi minsan, ikaw din mismo ang gumagawa ng bagay kung bakit sila biglaang nagbago.




Kung nagmahal ka ng taong hindi naman karapat-dapat at nasaktan ka. . . wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Wag mo siyang apihin. . .





Minsan kailangan mong makalimot, para ikaw naman ang maalala.




Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung mawala siya sa‘yo eh... kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.




Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.





Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.






Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon... makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon, isang bintana sa kahapon, na paminsan-minsan ay gusto mong masulyapang muli... sabay bulong sa sarili: Sana pwedeng ...ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon...







Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.







MAKABAYAN KA BA?? EH ANG IBANG MGA KABABAYAN NATIN KAYA? HINDI NATIN NILALAHAT... PERO BUTI PA ANG IBANG MGA BANYAGA NAGSISIKAP MAGSALITA NG ATING MINAMAHAL NA WIKA, DI KATULAD NG IBA NATING MGA KABABAYAN, MAKATAPAK LAMANG SA IBANG BANSA, PAGKALIPAS NG ILANG BUWAN... IMPORTED NA ANG TABAS NG DILA =(



Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.



Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.





Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, na kapag buo ang binigay mo... sinusuklian ka pa rin kahit papaano.




Walang taong panget. Nagkataon lang na yung mukha nila eh hindi "USO" at hindi "IN".





Ang tunay na pag-ibig madalang ang biyahe... kaya kapag dumaan sa’yo, parahin at sumakay ka na, kasi hindi mo alam kung babalik pa yun. Siguro nga babalik pa... Eh, paano kung may sakay ng iba?



Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.



Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.



Minsan, kailangang ituro ng mundo sa'yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.



Kahit anong bagal mo, kung hindi ka naman nya gustong habulin, hindi ka rin nya aabutan... kahit mag-stop over ka pa.



Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.



Ang pag-ibig parang sugal. Minsan panalo... minsan talo. Pero ang pinakamasakit sa lahat... yung makita mong panalo ka sana, pero di ka naman tumaya.



Paano mo babawiin ang taong ayaw na sa'yo... mahal mo sya pero, may mahal naman siyang iba... ipagpapatuloy mo pa ba kahit nasasaktan ka na? O iiwan mo sya para lumigaya?



Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? Pero pag andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo.



Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.



Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.



Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.



Wag ka masyado mag expect. Wala kayong commitment. Pwede ka magselos, pwede ka magtampo pero hindi ka pwedeng magalit. Pwedeng makipag-date sa iba pero wag na magpapaalam. Pwede mo siyang lambingin, pwedeng yakapin at pag nalaman mong may bf/gf na siya, pwede ka umiyak. Pwede ka masaktan pero hindi mo siya pwedeng sumb...atan. Dahil wala kang karapatan. Dahil ang M.U. ay isang "MAGULONG USAPAN".



Mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis, kung may pagkukulang sa'yo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili, sa bandang huli, ikaw din ang biktima... R...EBELDENG WALANG NAPATUNAYAN AT BAIT SA SARILI.



Iba ang tinititigan sa tinitingnan. Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin. Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri. Iba rin ang iniintindi sa inuunawa. Ang iniintindi, pinipilit sa isipan. Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan. Kung kaya dapat: Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi titigan lang at intindihin.



Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwedeng magsuot ng sapatos na hindi magkapares sa parehong oras... posible, pero pangit tingnan.



Sabi nila swerte at maayos daw ang buhay pag may duwende sa bahay... eh bakit sa MalacaƱang may duwendeng nakatira... pero HIRAP pa din ang PILIPINAS???



Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong, hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.



Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, ENGLISH ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa TAGALOG para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.



Minsan di rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal natin ang saktan tayo. Di naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila mas mahal nila yun. Ganun talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa... sitwasyon na yon diba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN Pana-panahon lang yan.



Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman.



Minsan kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.



Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras eh gumagana ang utak ng tao. Ang konsensya ay bahagi ng ating kaisipan na humuhusga kung mabuti o masama ang kilos na iyong gagawin o ginagawa.



Hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo eh... Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.



Ang isa sa PINAKAMASARAP NA FEELING sa mundo ay yung titingin ka pa lang sa CRUSH mo... PERO SIYA NAKATINGIN NA!! =)



Ang PINAKAMASAKIT NA PAKIRAMDAM sa mundo ay yung nararamdaman mong hindi ka na nya mahal pero hindi nya masabi sa'yo dahil wala ka namang ginagawang masama...



Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya...



Totoong biro lang ng mga Pinoy na "recess" ang paborito nilang "subject"... dahil kung "paborito" rin lang ang pag-uusapan, walang tatalo sa uwian!!! =)



ANG TANONG: Gaano ba kaimposibleng mahalin ang taong mahal mo na nagmamahal ng iba?? ANG SAGOT: Para kang nag-aantay ng paparahing Jeep... sa istasyon ng Tren.



Sabi ko susuko na ako... sabi ko di na kita mahal... sabi ko di na kita kailangan... sabi ko din masaya na ako... sabi ko yun! Pero sana yun din ang sinasabi ng puso ko.



Parang elevator lang yan eh... bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung wala nang pwesto para sa'yo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.



Pag may mahal ka at ayaw sa'yo, hayaan mo... malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.



Alam mo ba ang pinagkaiba ng bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag...



Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka, Kaya quits lang.



Ang PAG-IBIG parang IMBURNAL... nakakatakot MAHULOG... at kapag nahulog ka, it's either BY ACCIDENT or talagang TANGA ka...



Bakit kung alin ang BAWAL, yun ang GINAGAWA natin? Kung alin ang WALA, yun ang HINAHANAP natin?? Parang PAGMAMAHAL sa'yo, BAWAL pero GINAGAWA ko... parang PAGMAMAHAL mo, WALA pero HINAHANAP ko...



May mga taong minsan lang daraan sa buhay natin, minsan makikilala, makakasama, mamahalin, pahahalagahan at aalagaan, pero kadalasan pala yung minsan na yun... habang-buhay na sa alaala natin.. minsan di sapat na mahal mo ang isang tao, at alam mo na mahalaga ka para sa kanya, kasi bago ang lahat.... dapat alam mo ang pinagkaiba ng MAHAL sa MAHALAGA LANG!



Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?



Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal…



Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.



"Minsan kailangan mo din pala ng lakas para sabihing mahina ka"




****ganda noh!!! hanap pa ako next time.....****